-- Advertisements --

NAGA CITY – Bumaba na ang temperatura sa United Kingdom matapos ang ilang araw na pagkakatala ng record breaking na heatwave sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International News Correspondent Paul Ledesma, sinabi nito na umuulan na doon simula pa kahapon kung kaya lumamig na ang temperatura sa kanilang lugar.

Ayon pa kay Ledesma, hindi naman na lumampas sa 40 degrees Celsius ang temperatura sa bansa ngunit napepredict umano ng Met Office na magkakaroon pa ng second wave ng heatwave sa huling linggo ng Hulyo o sa unang linggo ng Agosto.

Dagdag pa ni Ledesma, grabe ang dinalang pinsala ng heatwave ngunit nasa dalawang linggo pa umano bago malaman ang eksaktong death toll sa nangyaring sitwasyon.

Napag-alaman kaya na nasa 2,000 katao umano ang average death toll kada taon sa UK dahil sa init ng panahon.