-- Advertisements --

KALIBO CITY – Pansamanta na ring ipinagbawal ng Aklan provincial government ang pagpasok ng ano mang uri ng alagang baboy at karneng produkto nito kasunod ng pumutok na Africa Swine fever (ASF) sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon kay Provincial Quarantin Head Dr. Joseph Lachica, epektibo pa mula noong September 27 ang Executive Order 46 ni Goc. Florencio Miraflores para umano maprotektahan ang hog industry ng lalawigan.

Sa ngayon mahigpit daw ang pagbabantay ng provincial authorities sa entry at exit points ng lalawigan, kasabay ng pagtatayo ng checkpoints at quarantine sites.

Nag-abiso naman ang local government sa mga magba-baboy na huwag munang pakainin ng tirang pagkain ang mga alagang baboy.

Kung maaalala, unang naglabas ng ban ang Cebu at Bohol sa naturang mga produkto.

Pero umapela naman dito ang Department of Agriculture dahil tiyak umanong maaapektuhan nito ang pangkalahatang industriya ng baboy sa bansa.