-- Advertisements --
LA UNION – Inanunsiyo ni Minister of Education Lucia Azzolina ng Italy na sarado lahat ng paaralan nasabing bansa bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso na dinadapuan ng COVID-19.
Epektibo ang kautusan simula ngayong araw, Marso 5, at tatagal hanggang March 14 pero babalik ang klase sa March 16.
Ito ang ibinahagi sa Bombo Radyo La Union ni Rhodora Villegas, tubo ng La Union, at kasalukuyang nagtatrabaho sa Rome, Italy.
Sinabi ni Villegas na ang Italya ang ikinokonsidera ngayong may pinakamalaking kaso ng virus sa buong Europa.
Ito ay paraan ng Italya para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus sa mga matataong lugar.
Kasama ni Minister Azzolina na nag-anunsiyo sa temporary closure at humarap sa publiko si Prime Minister Giuseppe Conte.