-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Pinalawig ng pamahalaang bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya ang temporary closure sa kanilang pamilihang bayan.

Sa inilabas na Executive Order number 34 series of 2020 ni Mayor Ralph Lantion na 18 market vendors ang panibagong nagpositibo sa COVID-19 bilang resulta sa isinagawang mass swabbing noong Sept. 18-19, 2020.

Dahil dito umakyat na sa 29 market vendors ang nagpositibo sa COVID-19 sa pamilihang bayan ng Bayombong.

Nagpapatuloy pa rin ang mass swabbing habang hinihintay pa ang resulta ng unang isinagawang RT-PCR swab test.

Pinaalalahanan ng pamahalaang lokal ng Bayombong ang mga market vendors na sumailalim sa striktong health and quarantine protocols.

Magtatagal ang extension temporary closure ng pamilihang bayan ng Bayombong hanggang September 27, 2020 na nagsimula kahapon.

Kapag muling buksan ang pamilihang bayan ng Bayombong ay mapapayagan lamang ang mga market vendors na magtinda kapag mayroong health clearance mula sa Municipal Health Office.