Humahanap na ng temporary relief measurs ang Department of Energy (DOE) para maibsan ang impact ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa iba pang mga kagawaran para maipatupad ang whole-of-government approach para sa relief measures sa gitna ng nararanasang oil price hike.
Inaayos na aniya ang mga guidelines hinggil sa planong pagbibigay ng subsidiya para sa mga magsasaka at mangingisda.
Bahagi rin ng temporary relief sa transport sector ang inisyatibo ng DOTr sa pmamagitan ng LTFRB, ang Pantawid Pasada Program.
Sa ilalim ng naturang programa, ang mga drivers ng public utility vehicles (PUVs) ay mabibigyan ng financial aid.
Ayon kay Romero, inatasan na ng DOE ang mga lokal na kompaniya na i-disclose ang kanilang suplay at mga orders para matiyak na nananatiling sapat ang suplay ng bansa sa mga produktong petrolyo para matugunan ang demand.
Payo ng DOE na magtiyaga muna at maging matipid ngayong nananatiling mahigpit ang pandaigdigang suplay ng langis dahil sa mga factors na nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo
Samantala, nanawagan si Senator Grace Poe sa mga gasoline station operators na magbigay ng diskwento sa gitna ng nararanasang oil price hike.
Hinimok ni Poe na siyang chair ng Senate committee on public services ang mga operators ng gasoline stations para matiyak ang competitive prices sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskwento sa produktong petrolyo.
Aniya, makikinabang dito pareho ang mga public utility vehicle drivers at mga pribadong motorista na apektado ng patuloy na oil price hike ngayong humaharap din ang bansa sa hamon ng pandemiy.
Hiniling din ni Poe sa pamahalaan na ilabas ng minsanan ang subsidiya ng mga PUV drivers mula sa 2022 budget.
Umaasa din ang senadora na magiging mapasuri ang mga concerned agencies sa pagbibigay ng subsidiya upang makatanggap ang lahat ng kwalipikadong PUV driver.