-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Natanggap na ni San Jose, Dinagat Islands Mayor Hero Ecleo ang mga temporary roof covers para sa kanyang mga residente mula sa #BayanihanDinagat Operations Center.

May naipadala na rin para sa bayan ng Tubajon at susunod sa mga ito ang iba pang mga bayan ng nasabing lalawigan.

Napag-alamang marami na ang nagka-sun burn dahil sa kawalan ng tamang masisilungan matapos sirain ng bagyong Odette ang mga tahanan ng mga taga-Dinagat Islands province pati na ang mga taga-Siargao at mainland Surigao.

Makakatulong sa mga ito ang mga temporary roof covers upang maypananggalang sila mula sa init ng araw at sa buhos ng ulan.