-- Advertisements --
Nakahanda ang Department of Human Settlements and Urban Development na magbigay ng mga temporary shelter o housing units para sa mga lilikas na pamilya sakali mang umakyat sa Alert Level 4 ang Taal Volcano.
Ayon kay Sec. Eduardo del Rosario, mayroong 1,123 available na temporary shelter o housing units.
Samantala, nakahanda naman ang Department of Public Works and Highways na umalalay sa evacuation kung kakailanganin ayon kay Sec. Roger Mercado.
Nakahanda aniya silang i-activate ang kanilang DPWH-DRRM teams na binubuo ng kanilang regional at district engineering offices para tumulong sa pagkakataon na kailangan ang kanilang serbisyo.
Nabatid na 1,006 pamilya o katumbas ng 3,649 katao ang apetkado ng Taal Volcano eruption noong weekend.