-- Advertisements --
DAVAO CITY – Isinailalim sa ikalawang cycle o dagdag na 14 na araw na lockdown ang mga nagpositibong kabataan sa loob ng Bahay Pag-asa sa Brgy. Bago Oshiro, Tugbok District, nitong lungsod.
Kung maalala, nasa higit 100 mga indibidwal sa nasabing pasilidad ang una ng isinailalim sa swabtest kung saan 49 sa mga kabataan ang nagpositibo sa Covid-19.
Mahigpit ngayon na binabantayan ng otoridad ang nasabing pasilidad lalo na at karamihan sa mga nasa loob ay mga Children in Conflict with the Law (CICL).
Binibigay naman ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng mga ito.
Una ng sinabi ni City Health Office (CHO) head Dr. Ashley Lopez na hindi maaaring ilipat sa isolation facility ang mga kabataan para hindi tumakas ang mga ito.