-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa 75 units ng temporary core shelter ang sinimula nang itayo para sa mga lubhang naapektuhan ng nagdaang serye ng lindol sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Sa impormasyong ipinaabot sa Bombo Radyo Koronadal, pinondohan umano ito ng Philippine Army sa isang rubber farm sa Barangay Luna Norte sa nasabing bayan para sa mga internally displaced families.

Ang mga bakwit na pamilya na maninirahan dito ang galing sa Barangay Bato na idineklarang high risk area.

Samantala, binisita naman nitong Huwebes ng mga miyembro ng Cotabato Provincial Rehabilitation Plan Task Force na bahagi pa rin ng rebuilding program ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Nancy Catamco.

Sa President Roxas, North Cotabato naman, nakatanggap ng Financial assistance ang mga pamilya na nasira ang bahay.

Ayon sa President Roxas LGU, ito ay First batch pa lamang matapos ang assessment sa bawat mga bahay na isinagawa ng Municipal Engineers ng bayan.

Sa ngayon, labis ang pasasalamat ng mga apektadong residente sa itinayong temporary shelter na laking tulong sa kanilang pamumuhay.