-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mamamayan ng Midsayap Cotabato ang pagbagsak ng temporary stall sa public Market.

Binatikos ng mga residente ang hindi matibay na pagkakagawa ng mga temporary stall na lilipatan sana ng mga nagmamay-ari ng tindahan sa loob ng palengke na naapektuhan sa konstraksyon ng modernong public market.

Suwerte naman na walang nasaktan ngunit kung nagkataon na may mga tao posibling marami ang madidisgrasya.

Hiniling ng taong bayan sa mga lokal opisyal sa bayan ng Midsayap na umaksyon at kausapin ang Salanatin Construction Company lalo na si Engr Remegio Salanatin na ayusin naman ang kanilang trabaho para hindi malagay sa alanganin ang buhay ng mga mamimili o kaya ang mga negosyante na lilipat sa temporary stall.

Sa ngayon ay dahan-dahan na inayos ng Salanatin Construction Company ang bumagsak na temporary stall sa bayan ng Midsayap.