-- Advertisements --

Tinanggal na ng Bahrain ang temporary suspensions ng mga household service workers.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nakausap nila ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Bahrain at sinabing ang mga employers doon ay ng mga manggagawang Pinoy.

Nagbabala rin ang Labor Market Regulatory Authority ng Bahrain sa mga employers na iwasan ang pagkuha ng mga hindi dokumentadong manggagawa.

Ang nasabing hakbang ay para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Magugunitang ipinatupad ang suspension noong Marso dahil sa COVID-19.

Mula Enero 2019 hanggang June 2020 ay bumaba ng 9 percent ang bilang ng mga domestic workers sa Bahrain na dati ay 18,663 noong 2019 ay naging 16,576 ngayong taon.