-- Advertisements --

Magtatayo ang US ng temporaryong pantalan sa Gaza.

Sinabi ni Pentagon spokesperson Maj. General Pat Ryder na naka-standby na ang mga sasakyang pandagat ng US military sa Mediterranean region.

Sa kasalukuyan ay inaaral ng US ang mga seguridad at proseso sa nasabing lugar.

Maaring sa buwan ng Mayo matatapos ang nasabing temporaryong pantalan gaya ng kanilang naipangako sa mga residente ng Gaza.

Ang nasabing temporaryong pantalan ay gagamitin para sa daanan ng mga tulong sa Gaza matapos na harangan ng Israel Defense Forces ang mga daanan ng mga truck na may dalang pagkain.