Ibinunyag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na ang pinagmulan ng tensiyon ngayon sa West Philippine Sea ay ang “ten-dash line” na iligal na inaako ng China na kanilang teritoryo.
Ito ang inihayag ni Secretary Teodoro sa pagdiriwang ng Swedish National Day and reception para kay Swedish Defense Minister Pål Jonson nuong nakaraang linggo.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Teodoro na nais ng China na pag-usapan natin ang maliit na detalye upang makalimutan ang pinaka sentro ng usapin ang ten-dash line na siyang nagsimula sa provocation.
Inihayag ni Teodoro na walang karapatan ang China na angkinin ang anumang bahagi sa West Philippine Sea dahil wala silang jurisdiction dito.
Ibinunyag pa ng Defense Chief, ang mga salaysay ay binabawasan hanggang sa tactical level upang makagambala sa publikong Pilipino at sa internasyonal na komunidad mula sa pagtutok sa ugat ng tensyon sa WPS.
Aniya, sinusubukan ng China na painin ang Pilipinas sa pamamagitan ng paglayo sa mga pangunahing punto at pagkaladkad nito sa isang
action-drama debate, kung saan nakatuon sa mga maliliit na detalye na nalalayo sa mula sa pangunahing mensahe.
Dagdag pa ni Secretary Teodoro na ang mga pagsisikap ng pamahalaan para tugunan ang tensyon sa WPS ay patuloy na tinututukan ng Department of Foreign Affairs.
Binigyang-diin din ni Teodoro na ang anumang mga kasunduan o pag-uusap ay dapat bukas, naka ugat sa internasyonal na batas, itaguyod ang pambansang interes ng Pilipinas at katanggap tanggap sa mga Pilipino, makatarungan at ligal.