Napaiyak na lamang si tennis superstar Novak Djokovic sa ginawang hosting ng charity event sa kanyang tennis complex sa Danube River.
Bagama’t hindi nakalaro sa Adria Tour final, kung saan naghari si Dominic Thiem, naging memorable naman umano ang event para sa world No. 1 na nagsagawa ng exhibition matches habang nananatiling suspendido ang international tennis dahil sa coronavirus pandemic.
“I was very emotional on the court today. Childhood memories started flooding back, including those of growing up on these courts and playing here as a young boy,” wika ni Djokovic makaraang palakpakan ng mahigit 4,000 manonood.
Nagapi ni Djokovic si Alexander Zverev ng Germany sa huling round robin match ngunit nabigo itong makapasok sa final ng charity games.
Kahit hindi nakamit ang kampeonato, inihayag ni Djokovic na ang naturang charity event ang isa sa pinakamasayang laro na kanyang sinalihan.