-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng natitirang season si tennis great Roger Federer.

Sinabi nito na sasailalim siya sa operasyon sa kaniyang tuhod.

Dahil dito ay hindi na makakapaglaro sa US Open ang Swiss tennis star na gaganapin ngayong buwan.

Ayon sa Instagram post ng 40-anyos na si Federer na regular itong nagpapa-check up sa doctor at sila rin ang nagpayo na operahan ito.

Lumala ang nasabing injury noong ito ay naglaro sa Wimbledon.

Hindi pa rin nito tiyak kung kailan siya sasabak sa paglalaro.