Nagdesisyon si Spanish tennis star Rafael Nadal na hindi maglaro sa Wimbledon at sa Tokyo Olympics.
Kinumpirma ito ng 20-time grand slam sa pamamagitan ng kaniyang social media.
Sinabi nito na pinakiramdaman niya ang kaniyang katawan at ang kaniyang team bago magdesisyon na huwag sumali sa nasabing torneo.
Layon ng nasabing pagpapalibang ng laro ay para mapatagal pa ang kaniyang career dahil target niyang magkamit ng mas maraming mga panalo.
Mayroon lamang dalawang linggo ang pagitan ng French Open at Wimbledon kaya halos hindi na ito makapagpahinga kaya minabuti niyang huwag na munang maglaro.
Huling naglaro kasi ito sa katatapos lamang na French Open noong nakaraang linggo ng talunin siya ni Novak Djokovic sa semfinal rounds.
Itinakda ang Wimbledon mula Hunyo 28 hannggang Hulyo 11 habang ang Tokyo Olympics ay gaganapin mula Hulyo 23 hanggang Agosto 8.