-- Advertisements --

Hindi pinalagpas ni tennis legend Rafael Nadal ang naging panalo ni Pinay tennis star Alex Eala laban kay World No. 25 Jelena Ostapenko sa Miami Open 2nd round.

Agad binati ng career Golden Slam winner ang Pinay star at sinabing ito ay isang malaking panalo niya at ng Pilipinas.

Gumawa ng panibagong record si Eala matapos patumbahin si Ostapenko sa score na 7-6, 7-5, at ibulsa ang pinakamalaking ‘victory’ sa kaniyang karera mula noong siya ay naging professional tennis player.

Bago nito ay tinalo rin ni Eala si World No. 73 Katie Volynets sa nagpapatuloy na torneyo.

Sa kasalukuyan, si Eala ay ranked No. 140 sa Women’s Tennis Association (WTA)

Ang Latvian star na kaniyang tinalo ay dating 2017 French Open champion.

Sa kasalukuyan, hindi pa natutukoy kung sino ang kaniyang susunod na makakalaban sa naturang torneyo.