-- Advertisements --
tennis
Djokovic

Naharap sa mga batikos ang tennis event na inorganisa ni Novak Djokovic matapos na magpositibo sa coronavirus ang ilang mga manlalaro.

Sina world’s No. 19 Grigor Dimitrov at No. 33 Borna Coric ay mga manlalaro na nagpositibo sa coronavirus na lumahok sa Adria Tournaments sa Zadar, Croatia.

Dahil sa pangyayari, tuluyan nang kinansela ang nasabing torneyo.

Ang nasabing event ay itinaguyod para sana makalikom ng pondo sa pagtulong sa mga naapektuhan ng coronavirus.

Samantala, ilan naman sa mga bumatikos ay si tennis great Chris Evert na sinabing walang ipinatupad na social distancing at maging mga fans ay hinayaan na pumasok ng walang mga suot na face mask.