-- Advertisements --
Napilitang putulin ng tennis player ang kaniyang laro sa Australian Open qualifying tournament sa Melbourne dahil ito ay nahirapan sa paghinga mula sa makapal na usok mula sa patuloy na nagaganap na wildfire.
Hawak na ni Slovenia tennis player Dalila Jakupovic ang kalamangan 6-4, 5-6 laban kay Stefanie Vogele ng Switzerland ng makaranas ito ng hirap sa paghinga.
Dahil sa insidente ay pinutol na nito ang laban sa ikalawang set pa lamang.
Sinabi nito na mabigat sa kaniya ang pagputol ng laban dahil hawak nito ang kalamangan kaya pagkatapos ng 20 minuto ay napilitian na itong tumigil.
Tuluyan na rin ng itinigil ng organizer ng torneo ang practice ng mga manlalaro dahil pa rin sa naranasang kapal ng usok.