-- Advertisements --

Nakatakdang magsimula ang mga laro sa tennis sa Australia sa susuond na linggo.

Ito ay matapos na mahinto ang mga laro noong Marso dahil sa Coronavirus pandemic.

Inaasahan na dadalo sa UTR pro series ang ilang mga sikat na tennis player gaya nina top-ranked Ash Barty at US Open champion Sam Stosur.

Nagkaroon ng kontrobersiya ang tennis sa buong mundo matapos na madapuan ng coronavirus ang ilang sikat na player na pinangungunahan ni Novak Djokovic.

Itinakda naman sa Agosto 31 ang pagsisimula ng U.S. Open pero walang papayagan na audience habang ang French Open na nakansela noong Mayo ay inilipat sa Setyembre 27.