Masusubok ang galing ng bagong women’s tennis sensation na si Leyla Fernandez sa quarterfinals nang nagpapatuloy na US Open sa New York.
Nakatakdang harapin kasi bukas ng alas-2:00 ng madaling araw, oras sa Pilipinas ang world’s number 5 na si Elina Svitolina ng Ukraine.
Una nang ginulat ng 18-anyos na Filipina Canadian ang mundo ng tennis sa kanyang shocking win nang kanyang ma-upset ang world’s number 16 na si Angelique Kerber ng Germany na 2016 US Open champion din at kanya ring nasilat ang world’s number 3 na si Naomi Osaka ng Japan.
Kapag nanalo pa siya sa kanyang unang Grandslam quarterfinals, mas mahirap pa ang kanyang makakalaban dahil posibleng makaharap niya ang world’s No. 2 na si Aryna Sabalenka.
Hinulaan naman ni Kerber si Fernandez na malayo ang mararating nito dahil sa ngayon ay napakabata pa.
“I think she can go really far in the next few years,” ani Kerber.
Batay sa World Tennis Association rankings, nasa pang-73 siyang puwesto sa buong mundo.
Si Fernandez na ang ina ay isang Pinay ay ipinanganak sa Montreal, Canada.