Nagpasya si dating tennis world number Andy Murray na kaniyang ibabahagi sa mga organisasyong tumutulong sa mga batang naapektuhan ng giyera sa Ukraine ang premyong mapapanalunan nito sa torneo na kaniyang sasalihan.
Sinabi nito na lahat ng kaniyang kikitain ngayong 2022 ay ibubuhos sa United Nations Childrens Fund (UNICEF) na siyang nangunguna sa pagtulong sa mga batang naiipit dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Nanawagan din ito sa mga fans niya na magbigay din ng donasyan para tulungan ang mga bata at refugee na naiipit sa nasabing kaguluhan.
Nauna ng nangako ang ilang tennis organizations na ATP, WTA, ITF at apat pang mga Grand Slams tennis organisasyon na sila ay magbibigay ng donasyon na aabot sa $700,000 bilang humanitarian relief at pagsuporta sa mga tennis federation ng Ukraine.
Base kasi sa talaan ng UN refugee agency na UNHCR na aabot na sa dalawang milyon na karamihan ay mga babae at bat ang lumikas sa Ukraine mula ng umatake ang Russia.