Hindi sang-ayon si World Number 3 tennis star Dominic Thiem na magbigay ng financial support sa mga lower-ranked players na naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Kasunod ito sa panawagan ng kapwa tennis star na si Novak Djokovic bilang pangulo ng ATP Player council na magbigay ng kontribusyon para makatulong sa kapwa tennis players.
Suspendido kasi ang mga laro ng tennis dahil sa coronavirus crisis at ito ay posibleng bumalik ng hanggang Hulyo kaya tiyak na maraming mga tennis players ang nahirapan dahil sa walang mga laro.
Sinabi naman ni Thiem na walang tennis player ang lumalaban para lamang maka-survive at tiwala ito na wala sa kanila ang magugutom kahit na yung mababa ang kanilang ranking.
Dagdag pa nito na mas mabuti na lang ibigay niya ang pera sa organisasyon na tumutulong sa mga mahihirap kaysa sa mga kapwa tennis players.