-- Advertisements --
Nababahala si world number two tennis star Simona Halep sa kalagayan ng coronavirus sa Paris.
Kasunod ito ng pagpositibo sa COVID-19 ng ilang tennis players na lalahok sa French Open.
Hindi naman binanggit ng organizer ng torneo ang mga pangalan ng mga nagpositibo sa COVID-19 na mga manlalaro.
Inilagay na lamang aniya nila sa ilang araw na quarantine ang nagpositibong manlalaro.
Dagdag pa ni Halep na tiniyak sa kanila ng organizers na mahigpit nilang ipinapatupad ang mga protocols.
Magsisimula ang torneo mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 11.
Ayon naman kay Guy Forget, ang tournament director, na lahat ng mga manlalaro ay sumasailalim sa pagsusuri pagkadating nila muli sila susuriin matapos ang 72 oras.