Sanction ang inabot ng Tennis Star Na si Reilly Opelka matapos magsuot ito ng sombrero habang tinatanggap ang Association of Tennis Professionals Title noong February 14 sa trophy presentation.
Sa Twitter post ng world no.23 tennis star na si Opelka alas diyes ng gabi sa Dallas Feb 16 at alas dose naman ng tanghali dito sa Pilipinas January 17 ipinakita nito ang Code violation record na may remarks at hiniglight pa ito ang “Mr. Opelka chose to keep his hat on during the prize presentation ceremony.
Sa halip na matuwa ito dahil sa pagkapanalo laban kay American Jenson Brooksby sa score na 7-6 7-6 sa Dallas Open final, penalty pala ang aabutin nito.
Napag-alaman na nakasuot ito ng putting sombrero sa seremonya habang tinatanggap ang trophy, at hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na ito ay nagkaroon ng sanction dahil sa Melbourne Summer Set nang January, tumigil ito sa paglalaro para magpalit lang ng sombrero dahil ito ay nadumihan ng ibon.
Ayon naman sa Association of Tennis Professionals ang pagsusuot ng sombrero sa seremoniya ay matagal ng ipinagbabawal kung kaya’t si Opelka ay nagkaroon ng penalty.