-- Advertisements --

Nagpapagaling na ngayon si world number two tennis star Simona Halep matapos dapuan ng coronavirus.

Ayon sa 29-anyos na Romanian tennis star na nagkaroon lamang siya ng mild symptoms.

Tiniyak nito sa kaniyang mga fans na masigla ang kaniyang kalusugan at agad na magbabalik sa laro kapag ito ay tuluyang gumaling na.

Magugunitang pinili nito na huwag sumali sa US Open sa New York dahil sa pangamba sa coronavirus.

Nagwagi si Halep sa French Open 2018 at siya ang kasalukuyang Wimbledon champion.

Dagdag pa nito na tapos na ang paglalaro niya ng tennis ngayong taon matapos ang pagkatalo niya sa French Open.