-- Advertisements --

Nagdesisyon Romanian tennis star Simona Halep na hindi sumali sa tournament sa Italy dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Ayon sa kasalukuyang Wimbledon champion, na hindi na muna ito sasali sa Palermo Ladies Open na gaganapin sa Italy sa darating na Agosto 3.

Nangagamba rin ito sa pagbiyahe nito lalo na tumataas umano ang bilang ng mga nadadapuan ng virus sa kaniyang bansa sa Romania.

Dadaan pa kasi sa 14-day quarantine ang mga lalahok sa nasabing torneo.

Pinasalamatan na lamang nito ang mga organizers dahil sa pag-imbita sa kaniya.

Duda rin ang kaniyang mga fans na baka hindi rin makasali si Halep sa gaganaping Prague Open na magsisimula sa Agosto 10.

Nanghinayang naman si tournament director Olivero Palma dahil sa desisyon ni Halep na hindi makasali sa nasabing torneo.