-- Advertisements --
Itinuturing ng United Nations na nasa kritikal level na ang tensyons sa Southern Lebanon.
Ayon sa Office for Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) ng UN, na mas lalong titindi pa ang kaganapan doon kapag hindi tumigil ang Israel sa pag-atake.
Base sa kanilang datos na mayroong 2,412 na ang nasawi kung saan 133 dito ay mga sibilyan.
Mayroong 111,940 ang lumikas at tumaas ng 10 percent ang mga lumilikas kada linggo.
Karamihan aniya sa mga internally displaced na mga tao ay mga bata.
Magugunitang noong Agosto 19 ng maghain ng formal complaint laban sa Israel ang Lebanon’s representative to UN dahil sa paglabag sa airspace nila.