Nagbigay ng pahayag ang Foreign Ministry ng China tungkol sa patuloy na nagaganap na tensyon sa pagitan ng Philippine Coast Guards at Chinese Coast Guards sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian, ang naging dahilan umano ng pagtaas ng alitan sa naturang teritoryo, ay dahil umano sa mga ‘infringement activities’ na isa umanong pamumukaw sa kanilang mga lakas militar sa WPS.
Isa rin umanong banta sa soberaniya ng kanilang bansa ang mga ginagawa umano ng Philippine military personnels sa West Philippine Sea.
Ang mga alegasyon na ito ay kasabay sa patuloy na panghaharrass at pambubully ng CCG sa hukbong pandagat ng Pilipinas.
Nagbigay naman ng kaniyang pahayag si Department of National Defense Secretary Gibo Teodoro at sinabing, nangpepressure umano ang China para makuha na ang inaangkin teritoryo sa WPS.
Samantala, siniguro naman ni Teodoro na hindi isusuko ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa China bagkus ay patuloy lang ang hukbong dagat na ipakita ang presensiya ng Pilipinas sa naturang teritoryo.