-- Advertisements --

Nangangamba ang ilang mga political analysts na mahigit isang linggo pa lamang ang bagong liderato ni US President Joe Biden ay naggigirian na ang kanilang puwersa-armada at ng China sa South China Sea.

Una nang napaulat ang pagparada ng US Navy aircraft carrier na USS Theodore Roosevelt sa naturang bahagi ng karagatan.

USS Theodore Roosevelt
USS Theodore Roosevelt

Ito ay makaraang magpalipad ng halos dalawang dosena na combat aircraft ang China malapit sa teritoryo ng Taiwan.

Ang hakbang ng China ay ikinagalit ng Taiwan.

Nito namang nakalipas na Biyernes inutusan ng China ang kanilang Coast Guard na maaring gamitin ang kanilang armas sa mga foreign vessels na nasa kanilang mga nasasakupang lugar.

May hinala tuloy si Carl Schuster, ang dating director of operations ng US Pacific Command Joint Intelligence Center maaaring sinusubok ng China ang mga karibal na bansa kung hanggang saan ang kanilang isasagot sa mga probokasyon.

Aminado naman si US Defense Secretary Lloyd Austin na ang China pa rin ang malaking hamon para sa Amerika.

Nangako na rin ang top diplomat ng US na handang ipagtanggol ang Pilipinas bilang kaalyadong bansa at maging ang pagdepensa sa Taiwan at Japan kung masasangkot ang mga ito sa giyera.