Humupa na ang tensiyon sa West Philippine Sea, ito ang binigyang diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Iniulat ni Lorenzana na sa nakalipas na dalawang taon wala na silang nababalitaang nagkatensiyon sa nasabing rehiyon.
Sa katunayan malaya ng nakakapangisda sa lugar ang mga mangingisda.
Inihayahag din ng kalihim na may kasunduan ang lahat ng mga claimants na walang sasakuping mga bagong features sa West Phl Sea.
Sa kabilang dako, wala ding natatanggap na ulat ang kalihim na hina harass ng mga Chinese ang mga Pinoy na gumagawa sa ilang facilities sa Pagasa island.
Kinumpirma ni Lorenzana, halos tapos na ang construction ng beaching ramp sa isla at sa sandaling makumpleto na ang construction, mas maraming construction materials ang pwede maipadala sa isla.
Naresolba na rin ang isyu sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa ginawang pang haharass ng ilang Chinese vessel sa barko ng Philippine Navy habang nagsasagawa ito ng resupply sa may Ayungin shoal.
Pinasinungalingan naman ni Lorenzana ang ulat na nawala na sa Pilipinas ang Sandy Clay
Wala din katotohanan na pinalibutan ng mga Chinese vessels ang Sandy clay.