Sumiklab ang tensiyon sa mga unibersidad sa Amerika kasunod ng mga inilunsad na protesta kaugnay sa Gaza war na nagresulta sa pag-aresto sa dose-dosenang katao.
Sa Columbia, malaking grupo ng mga demonstrador ang naglunsad ng Gaza Solidarity Encampment kasama ang ilang Jewish students sa prestihiyosong New York institution na nag-ulat ng intimidation at anti-Semitism sa gitna ng ilang araw ng mga protesta.
Nagsimula ang pro-Palestinian demonstrator ng kanilang protesta noong nakalipas na linggo na nananawagan sa unibersidad na mag-divest mula sa mga kompaniya na may kaugnayan sa Israel.
Mahigit 100 sa kanila ang naaresto matapos na tumawag ang university authorities ng mga police sa pribadong campus noong nakalipas na linggo.
Kumalat pa ang protesta sa iba pang campuses kabilang ang MIT, New York University, University of Michigan at Yale, kung saan 47 katao ang naaresto nitong Lunes matapos na tumanggi ang mga itong mag-disperse.
Samantala, kinondena ni US President Joe Biden ang naturang anti-Semitic protests.