-- Advertisements --

NAGA CITY – Naniniwala ang isang academic official sa posibilidad na humupa ang tensyon ukol sa panukalang extradition bill sa Hong Kong.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Dean Kenjie Jimenea ng University of Nueva Caceres College of Arts and Sciences, na malaki ang magiging epekto ng international pressure sa naturang sitwasyon ng estado.

Ito’y dahil umano sa inaasahang pahayag ng mga lider mula sa Estados Unidos at United Kingdom.

Sa ilalim ng extradition bill, agad ipadadala sa mainland China para sa paglilitis ang sino mang masasangkot sa ano mang uri ng kaso sa Hong Kong.

Sakop nito hindi lamang ang mga residente ng bansa, maging mga turista na papasok dito.