-- Advertisements --

Sumiklab ang tensyon sa sparring session ni Filipino boxer Jerwin Ancajas.

Ito ay matapos na batuhin siya ng bote ng tubig ng coach na kaniyang nakasa-sparring.

Makikita sa video na kuha ng Olympic boxer Eumir Marcial na matapos na mapabagsak ni Ancajas ang kaniyang sparring partner sa traning session sa gym sa Las Vegas ay bigla na lamang binato ito sa bote ng tubig.

Agad na kinumpronta ni Ancajas ang coach ng dayuhan na sparring partner.

Kuwento ng coach ni Ancajas na si Joven Jimenez na pagdating nila sa Jorge Capetillo training facility ay ipinilit ng dayuhang boksingero na nais nilang makapag-sparring sessions.

Dagdag pa nito na hindi sana ito ang kaniyang makakalaban subalit ipinilit ito.

Sa panig naman ni Ancajas na nag-sorry na rin ito sa kampo ng sparring partner at ipinaliwanag na ito ay sport na boxing kaya normal na makaranas ng pagkatumba.

Nasa Las Vegas kasi Ancajas para sa 10th title defense nito laban sa undefeated boxer na si Fernando Daniel Martinezn ng Argentina sa darating na Pebrero 26.