-- Advertisements --
damage quake tulunan north cotabato

CENTRAL MINDANAO – Walang klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas ngayong Oktubre 30 hanggang 31.

Mismong si Cotabato acting Governor Emmylou ”Lala” Taliño Mendoza ang naglabas ng kautusan para suspindihin ang klase sa buong probinsya.

Ito ay para bigyan nang pagkakataon ang mga kawani ng Cotabato Provincial Desaster Risk Reduction Management Office at ibang ahensya sa gobyerno na magsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa mga lugar na grabeng sinalanta ng lindol.

Nanawagan din si Gov Mendoza sa mga gustong tumulong na ihatid lamang sa Command Center ng PDRRMO sa provincial capitol sa Brgy Amas, Kidapawan City.

Nangangailangan ngayon ng trapal, laminated sacks at tents na temporaryong tirahan ng mga pamilyang lumikas at nawalan ng tirahan dahil sa lindol.