-- Advertisements --
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si reigning WBO world welterweight champion Terence Crawford na makaharap si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao.
Sinabi nito ng kung hindi lamang sa naranasang coronavirus pandemic ay natapos na ang kontrata.
Sakaling hindi aniya siya mapili ng fighting senator ay handa itong harapin ang sinumang nasa 147 pound division.
Magugunitang maraming mga sporting events sa buong mundo kabilang na ang boxing ang naantala at hindi natuloy dahil sa coronavirus pandemic.
Nauna ng ipinahayag ni Top Rank CEO Bob Arum na inaayos na nito ang laban ni Pacquiao kay Crawford.