-- Advertisements --

Kapwa nagwagi sa isang beauty contest sina Priscilla Meirelles at Teresa Loyzaga.

Tinanghal bilang Noble Queen Nations si Meirelles habang Noble Queen Worldwide naman si Loyzaga sa ginanap na Noble Queen of the Universe Ltd. Inc.

Ang NQULI ay isang international pageant organization na ginanap dito sa bansa kasabay ng ika-anim na anibersaryo nila.

Sa social media account nito ay labis siyang natutuwa at itinuturing niyang isang karangalan ang matanggap ng beauty pageant crown.

Naging Miss Globe International na siya kasi noong 2003 at Miss Earth noong 2004.

Habang sinabi naman ng 59-anyos na si Loyzaga na ang pagkakatanggap niya ng titulo ay isang katuparan ng kaniyang pangarap.

Labis ito ng natuwa dahil sa nasabing edad ay naisuot pa nito ang korona.