Nilinaw ng National Police Commission (NAPOLCOM)na walang limitasyon sa term extension ng Philippine National Police (PNP) chief habang may umiiral na krisis sa bansa.
Pahayag ito ni NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, matapos palawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangalawang pagkakataon ang termino ni PNP chief police director Gen. Ronald Dela Rosa.
Hindi binanggit ng Pangulo kung gaano kahaba ang pangalawang term extension ng PNP chief, pero sinabi ni Dela Rosa na hanggang isang taon ang pinahihintulutan ng batas.
Paliwanag naman ni Casurao, nakasaad sa Republic Act 6975 na ang termino ng PNP chief ay hindi lalampas ng apat na taon.
Ito’y maliban lang kapag may “national emergency†kung saan puwedeng i-extend ng pangulo ang termino ng PNP chief ng mahigit sa apat na taon.
Dagdag ni Casurao, ang isang taon na maximum term extension ay applicable lang sa mga heneral na may ranggong 3 star pababa dahil hindi spesipikong binanggit sa batas na kasama sa limitasyon ang 4-star general na siyang ranggo ni Dela Rosa.
At dahil aniya may “national emergency†na nag-ugat sa Marawi crisis, maaaring manungkulan si Dela Rosa bilang PNP chief hanggang sa gusto ng Pangulo.