-- Advertisements --
inday sara duterte

Tahasang kinontra ng Duterte Coalition o Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Hugpong Tawong Lunsod ang term sharing para sa Speakership sa Kamara.

Sa inilabas na statement, sinabi ni HNP chairperson Davao City Mayor Inday Sara Duterte na magdudulot lamang ito ng panlilinlang, hindi pagkakasundo at kawalan ng tiwala ang paghahati-hati ng panahon o term sharing sa House leadership.

Ayon kay Mayor Sara, guguluhin lamang ng nakalinyang kongresista sa pagka-Speaker ang nakaupong lider o gagawa ng paraan para tanggalin na sa posisyon kahit hindi pa tapos ang panahon nito para sa pamumuno.

Lalabas aniya itong counter-productive at magpapabagal lamang sa huling tatlong taon ng Duterte administration.

Naniniwala pa si Mayor Sara na mistulang walang pakialam sa posibleng mangyari sa House of Representatives ang mga mambabatas na gustong kagatin ang panukalang ng term sharing.