CAGAYAN DE ORO CITY – Inalmahan ng grupong Citizens Watch for Good Governance o CWGG ang napagkasundu-an na term sharing sa speakership ng mababang kapunungan ng kongreso.
Sa panayam ng Bombo Radyo, mariin itong kinontra ni CWGG convenor Atty. Antonio Soriano dahil wala umano ito sa probisyon ng saligang batas at sa house rules ng kamara.
Aniya, hindi magandang tingnan ng taong bayan ang napagkasundu-ang term-sharing sa pagitan nila ni Taguig City Rep. Allan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Posible rin umano itong makakaapekto sa pagpatupad ng mga programa ng kamara, lalong lalo na kung hindi paborable sa u-upong 2nd termer ang mga ipanatupad na programa ng unang umupong house speaker sa 18th congress.
Nauna rito, inindorso ni Pang. Rodrigo Duterte si Cayetano na unang u-upong house speaker sa loob ng 14 na buwan, at susunod namn si Velasco na uupo sa loob ng 21 buwan.