-- Advertisements --

Nakatakdang buksang muli sa publiko ngayong Huwebes, Pebrero 13 ang Terminal 21 Korat na siyang shopping center sa lungsod at ang pinangyarihan ng mass shooting nitong weekend na kumitil ng 30 katao at 58 naman ang nasugatan.

Inanunsiyo ito sa pamamagitan ng isang Facebook post ng @TeeneeNakhonratchisima na muli itong bubuksan sa publiko ngayong Huwebes. Gaganapin naman ang alms-giving ceremony at bukas ito sa lahat na gustong magluksa sa mga namayapa.

Samantala, kinumpirma naman ito ng isang Pinay OFW na si Cassie Sigua. Ayon pa sa kanya, nakasuot sila ng itim ngayon bilang pagluluksa. Nakatakda naman itong magtungo sa lugar at mag-alay ng mga bulaklak.