-- Advertisements --
Asahan ang pagtaas ng terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa susunod na taon.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na magaganap ito ilang buwan matapos ang pag-turnover ng paliparan sa isang pribadong kumpanya.
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang terminal fee ay maaring umabot sa P950 mula sa dating P550.
Sa buwan ng Setyembre kasi ay ipapasakamay sa private firm ang rehabilitation ng paliparan na nagkakahalaga ng P170.6 bilyon.
Dagdag pa ng kalihim na ang nasabing halaga na terminal fee ay kailangan iapruba pa muna ng mga gabinete ni Pangulong Ferdinand Martes.