-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa Cebu South bus terminal at North bus terminal upang makauwi sa kani-kanilang probinsiya at lungsod.

Ito’y matapos isasailalim ang probinsiya ng Cebu sa enhanced community quarantine simula bukas sa alas 12 ng tanghali at posible pang tatagal hanggang Abril 28.

Dahil sa haba at dami ng pasaherong nakapila, binalewala nalang nito ang “social distancing” at patuloy pa rin sa pakikipagsiksikan. Nagpanic-buying naman ang iba matapos mailabas ang anunsyo.

Inanunsiyo ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na isasailalim ang lungsod ng Cebu sa enhanced community quarantine simula ngayong Linggo Marso 28 hanggang Abril 28.

Kaugnay nito, hindi papayagang makakalabas o makakapasok ang isang indibidwal nitong lungsod maliban na lang sa mga medical personnel, security personnel, at iba pang otorisadong indibidwal o opisyal.