Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang terminasyon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa 1989 UP-DND agreement na nagbabawal sa pagpasok o presensya ng militar at pulis sa UP campuses ng walang notice sa pamunuan ng pamantasan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, si Sec. Lorenzana ay alter ego ni Pangulong Duterte kaya anuman ang kanyang desisyon ay may basbas ang pangulo.
Naniniwala naman si Sec. Roque na ang hakbang na ito ay hindi maituturing na paglabag sa academic freedom ng mga mag-aaral ng UP dahil sa ibang bansa gaya sa US at Inglatera, ang mga campus ay kabahagi ng siyudad kaya malaya ang mga pulis na nakakaikot at nakakapasok sa mga unibersidad.
Maliban dito, hindi naman umano hahayaan ng mga taga-UP na mabalewala at malabag ang kanilang academic freedom.
Bilang isa sa mga alumni at 25 taon din sa UP, inihayag ni Sec. Roque na bahala na ang presidente ng unibersidad na maglabas ng kanilang saloobin.