Termination ng retrieval operations, ipinag-utos na matapos ang patagumpay na pagkaka-recover ng 4 na sakay ng Cessna pl
Unread post by news.legazpi » Fri Mar 03, 2023 10:51 am
LEGAZPI CITY- Ipinag-utos na ni Camalig Mayor Caloy Baldo ang termination ng retrieval operations matapos ang matagumpay na pagkaka recover ng apat na labi ng mga sakay ng bumagsak na Cessna plane.
Matapos ang 13 araw na search and retrieval operations, naibaba na kagabi ang pang-apat at huling bangkay mula sa itaas ng Bulkang Mayon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa alkalde na nagsilbing incident commander, malaki ang naging pasasalamat nya sa lahat ng mga ahensya, mountaineers at volunteers na tumulong hanggang sa maging matagumpay ang operasyon.
Kaugnay nito ay nanunsyo ni Baldo na sa darating na Lunes ay nakatakdang magbigay ang Camalig LGU ng parangal para sa lahat ng mga magigiting na rescuers at volunteers.
Samantala, sa pahayag na ipinalabas ng provincial government ng Albay, sinabi ni APSEMO Chief Dr. Cedric Daep na ang Energy Development Corporation na bahalang makipag-ugnayan sa pamilya ng mga biktima lalo na sa Australian Embassya para maiuwi na rin ang katawan ng dalawang Australian national.
Nangako rin EDC ng psychological at stress debriefing para sa mahigit-kumulang 650 na mga rescuers, volunteers at mountaneers na tumulong sa operasyon upang malagpasan ang posibleng trauma mula sa ilang araw na operasyon.