-- Advertisements --

LA UNION – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagsalakay ng tinaguriang termite gang sa USSC money remittance center na nakabase sa Barangay Sevilla sa Lungsod ng San Fernando, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa San Fernando City Police Station, na nagsilbing lagusan ng mga suspek ang hinukay nilang kuweba o butas sa ilalim ng lupa kung saan nakatapat at nakatayo ang nasabing gusali upang pasukin ito.

Nakatakas umano ang mga magnanakaw nang magresponde ang mga pulis.

Base sa pa rin sa pagsisiyasat ng pulisya, binutas ng mga salarin ang sementadong sahig ng gusali.

Gayunman, wala namang natangay na pera o mahahalagang gamit ang mga magnanakaw mula sa nabanggit na money remittance center.

Samantala, narekober ng pulisya sa loob ng gusali ang mga kagamitan sa paghuhukay na pinaniniwalaang pag-aari ng mga suspek.