-- Advertisements --

Nararapat lamang umano na palawigin pa ng isa pang taon ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Ito ang inihayag ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa dahil ang terorismo ay isang kumplikadong problema.

Paliwanag ni Dela Rosa, kahit patay na ang mga lider ng teroristang grupo, ang kanilang mga sympathizers ay maaari pa ring mag re-group.

Aniya, kahit patay na ang mga Maute brothers at ang kanilang mga followers, nananatili pa ring buhay ang kanilang ideolohiya kaya mayroon pa rin umanong ang naeenganyo.

Sa panayam kay Dela Rosa, kaniyang sinabi na mahalaga na matututukan ang problema sa terorismo.

Ayon kay PNP chief, kagagaling lamang niya sa Amerika kung saan dumalo siya sa isang pagpupulong patungkol sa anti-terrorism, kasama ang kaniyang counterpart na Federal Bureau of Investigation, New York Police Department at ang 21 government agencies ng Estados Unidos.

Sinabi ng heneral na kanilang tinalakay ang isyu ng terorismo sa lalo na sa Pilipinas.

Aniya, naging fruitful daw ang kanilang pagpupulong niya sa Amerika.

“Terrrorism is not that simple. Even if the Maute brothers are all dead, the ideology is still there and they can still regroup,” pahayag ni Dela Rosa.

Samantala, tumanggi naman magkomento si Dela Rosa kaugnay sa kanilang rekomendasyon sa pagpapalawig ng Martial Law.

Suportado umano nila ang Department of National Defense na siyang administrator ng Batas Militar.