KORONADAL CITY- Naging sentro ng mensahe ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang nagpapatuloy na terorismo sa Mindanao at ang recruitment ng mga lawless groups sa mga kabataan upang isangkot sa radical at terrorism activities.
Inihayag din ni VP Sara na hindi na nito nais na mangyari ang pamomomba at panghaharass na ginagawa ng mga teroristang grupo dahil napakarami na umanong mga buhay ang nawala at nadamay na mga inosenteng sibilyan.
Aminado din ang bise presidente na takot ang idinulot nito sa mga mamamayan sa Mindanao kaya’t isa umano ito sa kanyang kampanya habang nasa pwesto ang tuldukan ang terorismo. Maliban dito, inihayag din ng opisyal ang mga ginagawa nang inobasyon at programa sa Department of Education bilang kalihim.
Napuno din ng pag-asa ang mga Koronadaleños sa pagdating ni VP Sara kung saan nagbigay din ito ng tig-P25K na dagdag na premyo sa mga contingent sa makulay na Street Dancing competition kung saan kampiyon ang Sibsib National Salindaw Performing Arts Ensemble ng Tulunan, North Cotabato with a cash prize of P300, 000 + 25,000 from VP Sara Duterte
1st Runner-up: Glan Institute of Technology sang Glan, Sarangani Province
2nd Runner-up: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat
Consolation prizes:
- Bahandian Folkloric Ensemble sang Gensaan
- Kiamba Performing Arts Guild sang Kiamba, Sarangani Province
Habang hindi naman nagpapagil ang lahat na manuod ng fireworks display at iba pang aktibidad sa Anniversary program ng lungsod.
Mahigpit na seguridad din ang ipinatupad sa pagdating ng Bise Presidente sa lungsod.