-- Advertisements --

Muling ipinagtanggol ng principal author ng Anti-Terrorism Bill ang urgency ng panukala kahit ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on national defense and security, walang pinipiling panahon ang mga terorista kaya mahalagang magkaroon din ng urgency ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa mga masasamang taong naghahasik ng karahasan.

Aniya, hindi madidiktahan ang mga kriminal para sa humanitarian consideration dahil sa pag-iral ng isang sakit, dahil ang mga grupong nasa likod ng terorismo ay walang kinikilalang batas, panahon at sitwasyon.

Umapela rin ang senador sa mga kritiko ng bill, lalo na sa mga agresibong pagpapakalat ng disinformation ukol sa nasabing bill.