-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nadagdagan na naman ang bilang ng mga miyembro ng ISIS-inspired Dawlah Islamiya/Maute group na sumuko sa tropa ng militar sa may
Brgy Poblacion Bayabao, Butig, Lanao del Sur.

Ito’y matapos boluntaryong sumuko sa gobyerno si Saifoden Macaraya Maute, 36, at residente ng Brgy Tagoranao, Sultan Dumalondong, Lanao del Sur.

Bitbit sa kaniyang pagbabalik loob sa pamahalaan ang kaniyang M79 grenade launcher at isang 40mm high explosive.

Kinumpirma naman ni Saifoden na kabilang siya sa nakipagbakbakan laban sa militar noong taong 2016.

Kung maalala, tatlong terorista kabilang ang isang menor de edad ang unang sumuko sa militar nitong nakaarang linggo.